WIKA:
pinagmulan,kalikasan,
katangian
Maraming umusbong na wika mula sa dila ng ating mga ninuno at ginamit nila ito upang maging kasangkapan ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao o higit pa. Nakamamangha na ayon nga sa Atlas ng mga Wika sa Filipinas na inilimbag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at may 130 katutubong wika na patuloy na yumayabong, lumalawig, at pinagyayaman sa perlas ng silangan—75 dito ay galing sa Luzon, 16 ang sumibol mula sa Visayas, at 34 ang umusbong sa Mindanao.
Alamin sa modyul na ito kung ano ang wika at kung saan ito nagmula. Dagdag pa rito, linangin ang kalikasan at katangian ng wika.
Wastong Gamit
ng mga Salita
Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita. Maraming salita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito, nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag.
Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:
konsepto ng
WIKA
Filipino ang pambansang wikang kinikila ng 187 konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Ngunit sa pag-inog ng panahon, maraming konsepto ukol sa pambansang wika ng Pilipinas ang napaghahalo at nagdudulot ng maling pagkakaunawa ukol sa pambansang wika.
Alamin sa modyul na ito ang pinagkaiba ng Filipino, Pilipino, at Tagalog batay sa kanilang kayarian, gamit, at sa itinadhana ng batas.
Mga batas
Ukol sa Wika
Hindi lamang panahon ang pumapanday sa wikang pambansa ng isang bansa.
Sa katunayan, kayraming pinagdaanang batas at pagsusuri ng wikang "Filipino" bago ito tanghaling wikang pambansa alinsunod sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas .
Alamin ang dalawang batas ukol sa wika na nagtitibay sa paggamit ng wikang Filipino hindi lang bilang wikang Pambansa, kung hindi pati na rin Wikang Opisyal at Wikang Panturo.
barayti ng
WIKA
Marahil ay pamilyar tayo sa salitang dayalek o dayalekto. Ngunit alam nga ba natin ang tunay nitong kahulugan. Alam ba natin ang kaibahan nito sa sosyolek o idyolek? Halina at tuklasin!
sa wika at kultura ng Pilipinas
Komunikasyon at Pananaliksik
Ang wika ay siyang sumasalamin sa kultura ng isang bansa. Nakamamangha na ayon nga sa Atlas ng mga Wika sa Filipinas na inilimbag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at may 130 katutubong wika na patuloy na yumayabong, lumalawig, at pinagyayaman sa perlas ng silangan—75 dito ay galing sa Luzon, 16 ang sumibol mula sa Visayas, at 34 ang umusbong sa Mindanao.
Ang Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at kulturang Filipino ay pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. Sa asignaturang itoauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino